Pagbili ng shares sa Petron sagot daw sa oil price hike
September 18, 2005 | 12:00am
Muling iginiit kahapon ni Surigao del Norte Rep. Robert "Ace" Barbers na dapat nang bilisan ng gobyerno ang pagbili sa 11 porsiyentong shares sa Petron na ibinebenta sa publiko at itini-trade-in sa stock market bilang solusyon sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Naniniwala si Barbers na malaki ang magagawa ng 11 porsiyentong share upang makontrol ng gobyerno ang management ng kompanya.
Mauuwi lamang anya sa wala ang mga naiisip na alternatibong paraan ng pamahalaan kabilang na ang pansamantalang pagpigil sa implementasyon ng expanded value added tax (EVAT) kung hindi naman makokontrol ng pamahalan ang presyo ng langis.
Hindi aniya dapat ipagkatiwala na lamang sa pribadong sektor ang full control ng oil industry dahil mas inuuna ng mga ito ng kanilang tubo kaysa sa kapakanan ng mamamayan.
Idinagdag ni Barbers na kung makukuhang muli ng gobyerno ang Petron at ipapatupad ang mas mababang presyo ng gasolina, ito ang mas pipiliin ng mga drivers na umaangal na sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.
Noon pang 12th Congress unang inihain ang resolusyon na naglalayong muling kontrolin ng gobyerno ang Petron pero hindi pa ito naisasabatas. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest