Tinawag itong Ortho-Lavra, isang kulay light brown patch na katulad ng isang bandage at ipinakilala sa Pilipinas nitong taong kasalukuyan.
Ayon kay Family Planning expert Dr. Ricardo Gonzales, sa pamamagitan ng patch ay tuluy-tuloy nitong nilalabas ang hormones ng isang babae sa kanyang balat, daluyan ng dugo at pumipigil sa itlog ng babae.
Maaaring ilagay ang patch sa puwetan, tiyan, braso, o sa itaas na bahagi ng katawan, maliban sa dibdib.
Bukod dito, maaari pa ring maging aktibo ang isang babae tulad ng pagtatrabaho, paliligo at pag-e-exercise kahit na nakadikit sa kanilang katawan ang patch.
Karaniwang ang mga babaeng madalas na makalimot sa pag-inom ng pills ang siyang gumagamit ng patch.
Kailangang ilagay ang contraceptive patch sa loob ng isang linggo sa kahit saang bahagi ng katawan at matapos ang isang linggo ay maaari na itong palitan.
May kabuuang tatlong linggo ang paggamit nito hanggang sa maaari na itong itigil kung saan makakaranas ng pagdurugo ang isang babae tulad ng pagreregla.
Sa halagang P550 kada set ay maaari na itong mabili kung saan 50 porsiyento nito ay nakakabawas ng side effect tulad ng sakit sa ulo, gayunman, karaniwang side effect nito ay skin rashes sa pinaglagyan ng patch contraceptive. (Gemma Garcia)