^

Bansa

Gen. Adan sampal daw sa Southcom

-
Isa umanong sampal at malaking insulto sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakatalaga kay Lt. Gen. Edilberto Adan bilang hepe ng AFP Southcom.

"It’s embarassing, he’s (Adan) not even popular to the junior officers of the AFP," anang isang heneral ng AFP na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Ayon sa opisyal, hindi maganda ang reputasyon ni Adan noong kasalukuyan pa itong superintendent ng Phil. Military Academy (PMA) at hindi rin ito humawak ng Army Division kaya isang malaking hamon dito ang nasabing posisyon.

Ipinahiwatig pa ng opisyal na kulang ang karanasan sa pamumuno sa combat ni Adan para hawakan ang Southern Command na terorismo ang pangunahing operasyon.

Matatandaang sa halip na si Army’s 4th Infantry Division Commander Major Gen. Samuel Bagasin ang ipalit sa nagretirong si Lt. Gen. Alberto Braganza ay si Adan ang itinalaga ni Pangulong Arroyo.

Kaugnay nito, lumutang ang mga bulungan na isa umanong general na sangkot sa "Hello Garci" ang nagbantang pipiyok kaya sa huling minuto ay nagbago ang desisyon ni Pangulong Arroyo at in-appoint si Adan sa halip na si Bagasin kahit wala ang pangalan ng una sa mga inirekomenda ng AFP Board of Generals. (Joy Cantos)

ADAN

ALBERTO BRAGANZA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY DIVISION

BOARD OF GENERALS

EDILBERTO ADAN

HELLO GARCI

INFANTRY DIVISION COMMANDER MAJOR GEN

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with