Murder vs Pinay sa Singapore
September 12, 2005 | 12:00am
Sinampahan na kahapon ng kasong kriminal ang isang Pinay domestic helper na inaresto dahil sa umanoy brutal na pagpatay sa kapwa Pinay maid na pinagputul-putol ang katawan sa isang commercial district sa Singapore noong Biyernes.
Sa report na tinanggap ni acting Foreign Affairs Sec. Rafael Seguis, kasong murder ang isinampa laban kay Guen Garlejo Aguilar, 29, tubong Baguio City. Hinuli siya nitong Sabado, may 12 oras matapos na matagpuan ang mga tsinap-chop na katawan ng biktimang si Jane Parangan La Puebla, 26, tubong Nueva Vizcaya.
Iniutos ni Magistrate Carolyn Woo na ikulong si Aguilar at pinagbawalan itong kausapin ng kanyang magiging abogado sa loob ng isang linggo habang sumasailalim pa ito sa masusing imbestigasyon ng prosekusyon.
Kapag napatunayang "guilty" sa pagpatay si Aguilar ay mahaharap ito sa parusang kamatayan na ipinatutupad sa Singapore sa pamamagitan ng "death by hanging".
Nakatakdang magbigay ng dalawang abogado ang pamahalaan mula sa tulong ng Embahada kay Aguilar na itatalaga ng Registrar of the Supreme Court doon upang maipagtanggol nito ang sarili.
Nasa pangangalaga pa rin ng Singapore Police para sa isang pagsusuri ang mga labi ni La Puebla. Ikukumpara pa ng Singapore authorities ang torso na narekober kung parte ito ng katawan ni La Puebla. Nakilala ang bangkay sa pamamagitan ng kanyang finger prints base na rin sa mga nakuhang pira-pirasong katawan nito na inilagay sa magkakahiwalay na plastic bags at trolley bag sa isang metro station sa Orchard Road, pangunahing shopping district sa Singapore.
Naimpormahan na ng DFA ang mga kaanak ng biktima at suspek tungkol sa insidente. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended