Pinay tsinap-chop sa Singapore
September 11, 2005 | 12:00am
Isang Pinay domestic helper sa Singapore ang inaresto matapos iturong responsable sa umanoy pagpatay sa kapwa Pinay DH na ang bangkay ay natagpuang putul-putol at itinapon sa ibat ibang lugar ang mga bahagi ng katawan.
Sa ulat na ipinarating ni Phil. Ambassador to Singapore Belen Anota kay acting Foreign Affairs Sec. Rafael Seguis, kinumpirma nito na isang 29-anyos Pinay DH ang inaresto kahapon. Hindi muna kinilala ang biktima at suspek hanggat hindi naiimpormahan ang kanilang mga kaanak dito sa Pilipinas.
Base sa ulat, natagpuan ang putul-putol na katawan ng biktima sa magkahiwalay na plastic bags sa Orchard Road MRT at MacRitchie Reservoir. Nakilala ang Pinay sa pamamagitan ng fingerprint nito mula sa narekober na mga kamay. Ang ulo nito ay nakabalot sa pulang plastic bag habang ang mga kamay nito ay nasa dalawang itim na trash bags.
Inaalam pa ng Singapore police kung ang nakitang torso na nasa itim na trolley bag ay bahagi pa rin ng katawan ng biktima.
Nakatakdang sampahan ngayong araw ng Singapore authorities ng kasong murder ang suspek.
Sinabi ni Usec. for Migrant Workers Affairs Jose Brillantes na magbibigay ang Embahada ng Pilipinas sa Singapore ng dalawang abogado sa suspek mula sa Registrar of the Supreme Court ng nasabing bansa upang maipagtanggol din niya ang kanyang sarili.
Binisita na rin ni Minister at Consul Ma. Lumen Isleta at OWWA Welfare Officer Christabel de Leon ang suspek na nakapiit sa Singapore jail.
Inaayos na ng embahada ang pagpapauwi sa mga labi ng biktima at ang makukuha nitong mga benepisyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended