Ito ang ibinabala kahapon ng shadowy group na YOUNG Officers Union of the New Generation matapos mamayani ang YES vote ng mga kongresista pabor sa pagbabasura ng impeachment na isinampa laban kay Pangulong Arroyo.
"Let therefore this be a stern warning of all those responsible, for they shall bear the fruit of their irresponsibility. Our forces are now planning to initiate the time of reckoning and the end of all traditional politicians," mariing banta sa isang press statement na nilagdaan ng isang nagpakilalang Lt. Col. Arsenio Alcantara, spokesman ng YOUNG New Generation.
Kasabay nito binatikos ng grupo ang mga kaalyadong kongresista ng administrasyon sa Mababang Kapulungan na nagbasura sa impeachment complaint laban sa Pangulo na binansagan ng mga itong "show of force" ng mga kurakot na pulitiko.
"Let it be known to the Filipino people that the time for retribution is about to come. And we will win. For the forces of good shall always triumph over evil," ayon pa kay Alcantara.
Numero uno anya nilang sisingilin ang mga tradisyunal na pulitiko sa pakikipagsabwatan umano sa administrasyon upang itago ang katotohanan hinggil sa malawakang dayaan sa 2004 national elections kapalit umano ng kinang ng salapi na ipinansuhol sa mga kongresista.
Gayunman, hindi naman nilinaw ng grupo ni Alcantara kung sa paanong paraan nila sisingilin ang mga pulitikong sinasabi ng mga itong nagkasala sa bayan at sinira ang tiwala ng publiko. (Ulat ni Joy Cantos)