Civil war sisiklab
September 3, 2005 | 12:00am
Nakahanda ang mga local officials na pangunahan ang movement for peace, unity and reconciliation at hindi nila papayagang maghari ang kaguluhan.
Ang pahayag ay ginawa nina Governors Ben Evardone (Eastern Samar), Bong Plaza (Agusan del Sur) at Eripe John Amante (Agusan del Norte) sa gitna ng mga bantang dadalhin na sa kalye ng ibat ibang grupo ang kanilang laban dahil sa naging resulta ng proseso ng impeachment at pagpapatupad ng Expanded Value Added Tax (E-VAT).
Nitong Miyerkules ay pinatay ng House committee on justice ang tatlong kaso ng inihaing impeachment laban kay Pangulong Arroyo at kamakalawa ay idineklara ng Korte Suprema na legal at Constitutional ang EVAT.
Sa isang multi-sectoral press conference kahapon, binigyang diin ni Gov. Evardone na sayang ang oras na ginugugol sa sobrang pamumulitika habang ang ating mga kababayan sa mga kanayunan ay naghihintay ng kapayapan at kaunlaran. Si Evardone ang public relations officer ng League of Provinces.
Nanawagan rin si Gov. Plaza sa oposisyon na igalang ang anumang desisyon ng Kongreso, pabor man sa kanila o hindi, at ituon ang atensiyon sa mas mahahalagang isyu na kinakaharap ng bansa gaya ng oil crisis, terorismo, kalagayan ng ekonomiya, kahirapan at marami pang iba.
"Kami po ay umaapela sa mga congressman na i-focus ang kanilang atensiyon sa mas malubhang isyu. Nasa kanila ang poder sa pagbalangkas ng kaukulang batas upang ganap na makausad ang ating bansa. Lets be united in tackling these problems," pahayag naman ni Amante.
Dapat na anyang magkaisa ang sambayanan para naman maatupag na ang kapakanang pang-ekonomiya at pagpapaunald ng bansa.
Samantala, tiniyak ng Malacañang na mananatili ang "maximum tolerance" sa planong malawakang kilos protesta ng mga taong hindi matanggap ang ipinatupad na proseso sa impeachment at EVAT. Rerespetuhin anya ng mga awtoridad ang kanilang kalayaang makapagpahayag ng damdamin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended