Ayon kay Leonora Naval, presidente ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), dapat na itaas ng P20 ang kasalukuyang P30 na flag down rate lalo na kung pumalo sa P35 kada litro ang halaga ng gasolina.
Pero para kay Philippine National Taxi Operators Association (PNTOA) president Bong Suntay, ang P15 dagdag ay sapat na para mabawi naman ng mga taxi drivers ang nauubos nilang boundary sa pamamasada dahil sa mataas na presyo ng gasolina.
Kaugnay nito, sinabi ni Pablo Planas, imbentor ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC), malaking bagay sa mga taxi drivers/operators kung ikukunsidera ng mga ito ang kanyang tipid-gas gadget.
Sa pamamagitan ng Asialink Finance Corporation at Inventionhaus International Inc., tagapagtaguyod ng KSTC, maaari nang mautang ang tipid-gas gadget na babayaran sa halagang P668 tuwing a-kinse at katapusan ng buwan.
Base sa pag-aaral, ang tipid-gas gadget ni Planas ay nakatitipid ng 15-50 porsiyento sa konsumo ng gasolina. (Edwin Balasa)