Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ng SITI na walang ginagamit na logo o anumang uri ng opisyal na komunikasyon ang naturang organisasyon mula sa tanggapan ni VP de Castro upang makakuha ng pabor sa NHMFC. Pumapaloob lamang anya sa legal na proseso ang kanilang samahan sa pakikipag-transaksiyon nito sa alinmang ahensiya ng gobyerno.
Sinabi pa ng SITI na hindi sisirain ng Samahan ang magandang relasyon nito sa OVP at HUDCC o sirain ang pangalan ni de Castro sa anumang illegal na transaksiyon.
Iginiit ng SITI na nakahanda silang humarap kay de Castro upang linawin ang naturang isyu na siyang nagpapalito sa pagpapatakbo ng proyektong pabahay.