Oposisyon nag-walkout!
August 31, 2005 | 12:00am
Nauwi sa gulo at walkout ang impeachment hearing kahapon matapos mabuwisit ang oposisyon dahil sa pagmamadali ni Maguindanao Rep. Simeon Datumanong, chairman ng House committee on justice, na pagbotohan na kung idedeklarang hiwalay ang amended complaint ng oposisyon sa isinampang impeachment complaint ni Atty. Oliver Lozano kahit hindi pa nareresolba ang mosyon ni Surigao del Norte Rep. Robert "Ace" Barbers.
Nais ni Barbers na ipatawag sina dating DSWD Sec. Dinky Soliman at Presidential Legislative Liaison Office Sec. Gabriel Claudio upang alamin ang sinasabing "lutong makaw" na impeachment complaint ni Lozano. Ito ay kasunod ng ginawang pagbubulgar ni Soliman na Malacañang ang umanoy nagplano sa isinampang impeachment complaint ni Lozano.
Bago tuluyang lumabas ng plenaryo ay naghagis pa ng mga papel sina Reps. Rolex Suplico, Imee Marcos, Mujiv Hataman at Teofisto Guingona III.
Habang nagsasagawa naman ng press conference ang grupo ng nag-walkout na oposisyon sa labas ng session hall, itinuloy ni Datumanong ang pagsasagawa ng botohan kung ibabasura at ituturing na hiwalay na reklamo ang amended complaint ng oposisyon. Nanalo sa botong 52-2 ang mosyon na nagbabasura sa amended complaint.
Matapos isagawa ang walkout, inihayag ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na pumirma na sa impeachment complaint si Las Piñas Rep. Cynthia Villar.
Si Villar ay miyembro ng Nacionalista Party at pangulo ng Lady Legislators.
Sinabi ni Cayetano na anim na lagda na lamang ngayon ang kailangan ng oposisyon para makumpleto ang Magic 79 at agarang maiakyat sa Senado.
Samantala, sinabi naman ni impeachment resource person Antonio Nachura na sa ginawa nilang walkout, ang oposisyon ang siyang natalo sa larangan ng opinyon ng publiko.
Sinabi ni Nachura na sa paningin niya, ang walkout ay isang estratehiya ng oposisyon dahil kulang pa sila sa 79 lagda para ang kasong impeachment ay maipadala sa Senado.
Dahil dito, sinabi ni Nachura na kung hindi rin lang makakabuo ng mayoryang 79 pirma ang oposisyon ay kailangan pa nilang maghintay ng isang taon para makapagsampa ng panibagong impeachment.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am