Pamatong namumuro sa SC
August 28, 2005 | 12:00am
Binuweltahan ng Korte Suprema si dating presidential candidate Atty. Elly Pamatong makaraang magsampa ito ng impeachment complaint laban kay Associate Justice Dante Tinga. Inatasan ng Supreme Court si SC Chief Attorney Edna Dino na magsumite ng rekomendasyon sa loob ng 30-araw kung anong kaso ang maaring isampa laban kay Pamatong.
Ipinaliwanag ng SC na bilang abogado ay dapat na nalalaman ni Pamatong ang kanyang ginagawang pag-atake sa sinumang mahistrado ng Korte Suprema. Ang pagsasampa nito ng impeachment complaint laban kay Justice Tinga ay maituturing na paglabag sa Code of Professional Conduct na sinusunod ng mga abogado.
Si Tinga ang ponente sa apelang isinampa ni Pamatong na humihiling na baligtarin ang desisyon na ipinalabas ng Comelec. Subalit kinatigan lamang ni Tinga ang nasabing desisyon ng Comelec na siya ay isang nuisance candidate. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended