^

Bansa

Pagrecycle ng basura sa Caloocan giit ni Recom

-
Hinimok kahapon ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang mga residente na ayusin ang kanilang basura at ugaliing mag-recycle upang mabawasan ang kanilang mga itatapon sa harap ng bantang welga ng mga naghahakot ng basura.

Sinigurado ni Echiverri sa mga mamamayan na hindi maaapektuhan ang lungsod sa banta ng mga empleyado ng Ren Transport na titigil sila sa paghahakot hangga’t hindi naibibigay ng kanilang kumpanya ang kanilang sapat na suweldo.

Sinabi ng alkalde na patuloy ang pagkolekta ng mga kolektor ng basura ng Ren na nakatalaga sa lungsod na hindi nakulong sa welga. Hanggang sa kasalukuyan umano ay on-schedule ang pagkolekta at walang backlog.

Kabilang sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Ren sa lungsod ay Maypajo, West Grace Park, C-3 hanggang Rizal Avenue.

Nauna ng binalaan ni Echiverri ang mga kontraktor ng basura na puputulin niya ang kanilang serbisyo kapag hindi maayos na nahakot ang basura sa kanilang hurisdiksiyon.

Ayon dito, tinatayang 614 tonelada o 1,860 cubic meters ng basura ang nalilikha ng lungsod araw-araw.

vuukle comment

AYON

BASURA

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

HANGGANG

HINIMOK

REN TRANSPORT

RIZAL AVENUE

WEST GRACE PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with