Ito ang ipinahiwatig kahapon nina Reps. Alan Peter Cayetano at Gilbert Remulla, kapwa miyembro ng NP at sumusuporta sa impeachment complaint.
Sinabi ng dalawang solon na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na stand ang NP na mayroong 15 miyembro sa Mababang Kapulungan. Sa nasabing 15 miyembro ng NP, apat pa lamang ang pumirma sa reklamo laban kay Arroyo at ito ay sina Remulla, Cayetano, Reps. Justin Mark Chipeco (Laguna) at Teofisto Guingona III (Bukidnon).
Sinabi ni Remulla na kung lalagda si Villar sa impeachment complaint, magiging senyales na ito upang magkaroon sila ng party stand.
Ayon naman kay Cayetano, malaki ang impluwensiya ni Villar sa NP at maging sa 37 miyembro ng Lady Legislators kung saan siya ang tumatayong presidente. Sigurado anyang marami ang mahahatak ni Villar sa sandaling pumirma na siya sa reklamo. (Ulat ni Malou Rongalerios)