^

Bansa

Lagda ni Congw. Villar inaabangan

-
Hinihintay na ang lagda ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar sa impeachment complaint laban kay Pangulong Arroyo dahil magiging signal ito para sumunod sa kanya ang mga kongresistang miyembro ng Nacionalista Party at maging ang 37 congresswomen sa Mababang Kapulungan.

Ito ang ipinahiwatig kahapon nina Reps. Alan Peter Cayetano at Gilbert Remulla, kapwa miyembro ng NP at sumusuporta sa impeachment complaint.

Sinabi ng dalawang solon na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na stand ang NP na mayroong 15 miyembro sa Mababang Kapulungan. Sa nasabing 15 miyembro ng NP, apat pa lamang ang pumirma sa reklamo laban kay Arroyo at ito ay sina Remulla, Cayetano, Reps. Justin Mark Chipeco (Laguna) at Teofisto Guingona III (Bukidnon).

Sinabi ni Remulla na kung lalagda si Villar sa impeachment complaint, magiging senyales na ito upang magkaroon sila ng ‘party stand.’

Ayon naman kay Cayetano, malaki ang impluwensiya ni Villar sa NP at maging sa 37 miyembro ng Lady Legislators kung saan siya ang tumatayong presidente. Sigurado anyang marami ang mahahatak ni Villar sa sandaling pumirma na siya sa reklamo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALAN PETER CAYETANO

CAYETANO

CYNTHIA VILLAR

GILBERT REMULLA

JUSTIN MARK CHIPECO

LADY LEGISLATORS

LAS PI

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

NACIONALISTA PARTY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with