Hotline numbers ng tipid-gas gadget

Inihayag kahapon ng Inventionhaus International Inc., tagapagtaguyod ng Khaos Super Turbo Charger (KSTC), ang kanilang hotline numbers na puwedeng tawagan ng mga motoristang nagnanais magpakabit ng natatanging Pinoy invention na tipid-gas gadget.

Ayon kay Isko Catibayan, spokesman at vice-president for business development, minarapat nilang ihayag ang Khaos hotline number dahil sa tumitinding demand ng kanilang produkto na malaking tulong sa mga motorista para makatipid sa pagkonsumo ng gasoline.

Sinumang interesado sa imbensiyon ni Pablo Planas ay tumawag sa tel. blg. 4487213/ 4487214/9200090. Maaari ring makita ang impormasyon ng Khaos sa www.khaos.com.Sinabi ni Catibayan na simula nang ilunsad nila ang "easy-loan payment" para makakuha ng KSTC, kabi-kabilang order na ang kanilang natanggap mula sa Australia, Canada, Egypt, Hungary, India, Indonesia, Korea, Lebanon, Mariana Islands, Saudi Arabia, South Africa, Spain, Switzerland, UAE, US at Taiwan.

Show comments