^

Bansa

Jueteng ratsada pa rin

-
Sa kabila na ibinigay na deadline ni Pangulong Arroyo na Setyembre 15 para masugpo ang jueteng ni Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn ay natuklasang patuloy pa rin ang jueteng operations sa Northern Luzon at Southern Tagalog.

Ayon sa source, isang Nora de Leon alyas Sunshine ang tumatayong management o payola distributor ng jueteng financier na isang Jose Tolentino alyas Paris sa Solano, Nueva Vizcaya. Ang tumama nitong nakaraang Agosto 21 ay 9-12, 33-25 at 37-14 habang nitong Agosto 22 ay 4-2, 35-1 at 35-21.

Sa Cagayan Valley ay isang kamag-anak ng isang police official sa Region 2 ang nagpapatakbo ng jueteng operations habang isang Mike Borja ang naka-front dito kung saan ang operasyon nila ay sumasakop sa 1st at 2nd district.

Wika pa ng impormante, ang bolahan ng jueteng dito ay centralized para sa bayan ng Lallo, Gattaran at Aparri kung saan ang tumama dito sa 3 draw nitong Agosto 20 ay 11-8, 5-16 at 33-5.

Napag-alaman pa mula sa impormante na tuloy pa rin ang operasyon ng jueteng at lotteng sa Southern Tagalog.

Isang alyas Ruben Montuano umano ang operator ng lotteng sa Calapan, Mindoro habang isang Mayor Alvarez naman umano ang nagpapatakbo ng jueteng sa Gloria, Mindoro. Ang mga jueteng operators naman daw sa Puerto Galera ay isang Mayor Atienza at Ronnie Marquez. (Rudy Andal)

vuukle comment

AGOSTO

ISANG

JOSE TOLENTINO

JUETENG

MAYOR ALVAREZ

MAYOR ATIENZA

MIKE BORJA

MINDORO

NORTHERN LUZON

SOUTHERN TAGALOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with