^

Bansa

Pagtatapon ng nakalalasong basura at medical wastes gagawing krimen ni Villar

-
Nais ni Sen. Manny Villar na gawing isang krimen ang walang habas na pagtatapon ng nakalalasong basura at mga medical wastes na lubhang nakakaapekto sa kalusugan ng tao at nakasisira sa kalikasan. Sa kanyang Senate bill 719, hiningi ni Villar na itaas ang multa para dito sa P200,000 hanggang P.5 milyon at pagkakulong ng 6-10 taon sa mga establisimiyentong lalabag.

Ani Villar, aabot sa 40 tonelada ang medical wastes na naiipon sa kalakhang Maynila kada araw. Kabilang sa mga solid at liquid medical wastes na itinatapon ay mga internal organs na tinanggal mula sa operasyon, dugo at iba pang blood components.

Talamak din daw ang pagtapon ng medical gadgets gaya ng injection needles at surgical gloves. Bukod pa rito ang mga radioactive waste na nabubulok lang sa mga pasilidad ng ospital. (Rudy Andal)

ANI VILLAR

BUKOD

KABILANG

MANNY VILLAR

MAYNILA

MEDICAL

RUDY ANDAL

TALAMAK

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with