^

Bansa

Ebidensiya ng impeachment uubusin sa raid?

-
Nangangamba ang oposisyon na nagsusulong ng impeachment complaint na maubos ang mga hawak nilang ebidensiya na magpapatunay na nagkaroon ng dayaan noong nakaraang eleksiyon matapos magsagawa ng raid ang mga operatiba ng Criminal Investigation Division Group (CIDG) kahapon sa bahay ng isang Segundo Tabayoyong sa Olopsville Subd., Brgy. Sto. Niño, San Mateo, Rizal.

Sa ikatlong araw ng pagdinig sa impeachment complaint, hiniling ni House Minority Leader Francis Escudero sa House committee on justice sa CIDG na magpaliwanag sa isinasagawa nitong pagsalakay.

Inamin ng oposisyon na isa si Tabayoyong sa tumutulong sa kanila at nagtatago ng ebidensiya para mapalakas ang impeachment complaint.

Hawak din umano ni Tabayoyong na isa ring handwriting expert na nauna ng nagpatunay na iisa ang pirma nina Jose Pidal at First Gentleman Mike Arroyo, ang mga dokumento kay Pidal. Kabilang sa mga nakuha sa bahay ni Tabayoyong ang ilang election returns na magpapatunay na nagkaroon ng dayaan sa Mindanao.

Kung pagbabasehan aniya ang raid na isinagawa ng CIDG, lumalabas na walang proteksiyong makukuha ang pro-impeachment team mula sa gobyerno.

Nais ni Escudero na linawin ng CIDG kung ano ang naging batayan sa raid at kung mayroong warrant of arrest sa pagsasagawa nito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION GROUP

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

HOUSE MINORITY LEADER FRANCIS ESCUDERO

JOSE PIDAL

MALOU RONGALERIOS

OLOPSVILLE SUBD

SAN MATEO

SEGUNDO TABAYOYONG

TABAYOYONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with