4 buwan hingi ni Pamatong sa impeachment vs Noli
August 14, 2005 | 12:00am
Dahil hindi pa rin makahanap ng mag-eendorso sa impeachment complaint laban kay Vice-Pres. Noli de Castro, hiniling ni Atty. Elly Pamatong kay House Secretary General Roberto Nazareno na bigyan siya ng apat na buwan para makakuha ng endorser sa kanyang reklamo.
Sa dalawang-pahinang sulat na isinumite ni Pamatong sa tanggapan ni Nazareno, sinabi nito na nauna na niyang hiniling na bigyan siya ng 15 araw para makahanap ng endorser, pero nagbago na ang kanyang isip at nais na niya itong gawing apat na buwan.
Sinabi pa ni Pamatong na balak niyang lapitan isa-isa ang 236 kongresistang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso upang makahanap lamang ng mag-eendorso ng kanyang impeachment complaint laban kay de Castro.
Mariing binatikos din ni Pamatong ang napabalitang pagpapalabas ni Nazareno ng ultimatum sa kanya na makahanap ng endorser upang hindi nito maibasura ang kanyang reklamo.
Wala anyang karapatan si Nazareno na magpalabas ng ultimatum dahil hindi naman ito kongresista at hindi rin ito ang kumakatawan sa buong House of Representatives. (Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest