Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, pamumunuan ito ni Atty. Carlos G. Platon ng Platon, Martinez, Flores, San Pedro and Leano Law Offices, kasama sina Atty. Saklolo A. Leano at Atty. Pedro Ferrer.
Inihayag ni Bunye na ang panayam at mga pahayag na may kinalaman sa impeachment ay pangangasiwaan naman ni Atty. Romy Macalintal katulong si Atty. Ed Nachura na magpapaliwanag naman sa proseso ng impeachment sa kanyang kapasidad bilang resource person.
Ang grupong ito ang magpapasya kung kinakailangan o hindi na ang pagharap ng Presidente sa proseso ng impeachment.
Pero nilinaw ni Bunye na mula kay Presidente mismo ang pahayag na ipapailalim niya ang sarili sa proseso ng impeachment. (Ulat ni LATolentino)