FVR tinabla ni Pimentel
August 11, 2005 | 12:00am
Malayo daw sa katotohanan ang kahilingan ni dating Pangulong Fidel Ramos na talakayin na ng Kongreso ang Charter change sa kabila ng kaabalahan ng dalawang kapulungan sa impeachment case laban kay Pangulong Arroyo.
Sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel na panlilinlang lang ang nais ni Ramos para mailihis ang tunay na isyu na kinakaharap ng Pangulo.
Pinakiusapan nito ang dating pangulo na tigilan na ang pagiging "rescuer" nito kay Arroyo na puwede pang isalba ang pamahalaan mula sa pagka-bangkarote sa kabila ng kapalpakan nito.
Nanindigan ang senador na hindi puwedeng isabay ang cha-cha hanggat hindi nareresolba ang usapin sa impeachment at hanggang hindi pa bumababa sa puwesto si Arroyo. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest