Boracay Tripartite Summit

Nakatakdang isagawa ang ‘Tripartite Summit’ sa Boracay island sa Malay, Aklan sa susunod na buwan para paigtingin ang peace and order, pag-angat sa kalidad ng turismo at ekonomiya dito para mabuo ang Boracay Development Authority (BDA).

Ayon kay Dr. Orlando Sacay, chairman ng Boracay foundation na may 135 miyembro, dadalo sa summit sina PNP chief Arturo Lomibao, Department of Tourism, local government, private sector kabilang ang 300 resort owners at kasapi ng Boracay Chamber of Commerece.

Sabi pa ni Sacay, kukuha sila ng consultant para baguhin ang lumang masterplan ng Boracay.

Layunin ng summit na palakasin ang seguridad sa Boracay, turismo at ang planong pagkakaroon ng BDA kung saan ay magkakaroon ng sariling pamamahala ito pati ang pagbabayad ng buwis tulad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). (Ellen Fernando)

Show comments