Pero agad na hinarang ng mga kongresistang kakampi ng administrasyon ang mosyon ni Cayetano dahil malalabag umano ang karapatan ng Pangulo.
Ikinatuwiran ni Cayetano na malalaman sa billing statement kung ilang beses at sinong tinawagan ni Arroyo sa pamamagitan nang makikitang numero ng cellular phones.
Kaugnay nito, nagkasundo ang limang komite na nagsagawa ng pagdinig sa isyu ng wiretapping na humingi ng opinyon ng legal experts upang makita ang legalidad ng mosyon ni Cayetano.
Pinagdudahan din ni Cayetano ang sinabi ni House Deputy Majority Leader Arthur Defensor na magkakaroon ng "full blown" investigation sa impeachment complaint sa House committee on justice.
"That is nothing but hot air," ani Cayetano matapos harangin ng mga pro-administration solons ang pag-subpoena sa phone bill ni Arroyo mula sa Globe at Smart sa pagitan ng Pebrero hanggang Hunyo 2004. (Ulat ni Malou Rongalerios)