^

Bansa

Taumbayan ang tanungin kung dapat mag-Cha-cha

-
Upang matigil na ang bangayan ng Senado at House of Representatives, isinulong kahapon ni Negros Oriental Rep. Herminio Teves ang pagpapatupad ng plebisito para makuha ang pulso ng mga mamamayan sa pagbabago ng 1987 Constitution.

Sinabi ni Teves na nasasayang lamang ang oras sa hidwaang nagaganap sa pagitan ng dalawang kapulungan at matatapos lamang ito kung idaraos ang plebisito kasabay ang barangay elections sa Oktubre 24, 2005.

Noon pang nakaraang 12th Congress inihain sa Mababang Kapulungan ang isang House resolution na naglalayong magdaos ng plebisito para sa pagbabago ng Saligang Batas.

Hindi naaprubahan ang nasabing resolusyon dahil sa teknikalidad na baka malito ang mga botante sa paghalal ng mga kandidato lalo na sa presidente at sa pagsasabi kung ano ang dapat baguhin sa Konstitusyon.

Makakatipid din aniya ang gobyerno kung isasabay sa barangay elections ang plebisito para sa Chacha. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CHACHA

HERMINIO TEVES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

KONSTITUSYON

MABABANG KAPULUNGAN

MAKAKATIPID

MALOU RONGALERIOS

NEGROS ORIENTAL REP

OKTUBRE

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with