Ayon kay PNP chief P/Director General Arturo Lomibao, ang paggamit ng electronic surveilllance tulad ng wiretapping ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang masupil ang mga krimeng nagaganap sa kapaligiran.
This would be of good help but this (electronic surveillance) would only be used in extra-ordinary criminals like kidnappers, drug traffickers and terrorists, ani Lomibao.
Sa kasalukuyan, ang RA 4200 o ang kinukuwestiyong Wiretapping Law ay mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng electronics system sa pagmomonitor sa pagkilos at aktibidades ng mga elementong kriminal.
Ayon kay Lomibao, nakipag-ugnayan na sila sa Kongreso upang gumawa ng batas na magpapahintulot na i-monitor sa pamamagitan ng wiretapping ang mga suspek na nakakagawa ng matitinding krimen.
Kaugnay nito, tiwala naman si Lomibao na kakatigan ng mga mambabatas ang kanilang kahilingan para sa ikatatagumpay ng kampanya ng PNP laban sa kriminalidad. (Ulat ni Joy Cantos)