^

Bansa

Wiretapping vs kidnapper, terorista, drug traffickers giit ng PNP

-
Upang mapabilis ang pagsugpo laban sa kidnapper, terorista at drug trafficker, iginiit kahapon ng Philippine National Police ang pagsasagawa ng ‘‘wiretapping’’ laban sa mga pinaghihinalaang suspek sa itinuturing na ‘‘high profile crime’’ sa bansa.

Ayon kay PNP chief P/Director General Arturo Lomibao, ang paggamit ng electronic surveilllance tulad ng wiretapping ay isa sa mga pinakamabisang paraan upang masupil ang mga krimeng nagaganap sa kapaligiran.

‘‘This would be of good help but this (electronic surveillance) would only be used in extra-ordinary criminals like kidnappers, drug traffickers and terrorists,’’ ani Lomibao.

Sa kasalukuyan, ang RA 4200 o ang kinukuwestiyong Wiretapping Law ay mahigpit na nagbabawal sa paggamit ng electronics system sa pagmomonitor sa pagkilos at aktibidades ng mga elementong kriminal.

Ayon kay Lomibao, nakipag-ugnayan na sila sa Kongreso upang gumawa ng batas na magpapahintulot na i-monitor sa pamamagitan ng ‘‘wiretapping’’ ang mga suspek na nakakagawa ng matitinding krimen.

Kaugnay nito, tiwala naman si Lomibao na kakatigan ng mga mambabatas ang kanilang kahilingan para sa ikatatagumpay ng kampanya ng PNP laban sa kriminalidad. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

JOY CANTOS

KAUGNAY

KONGRESO

LOMIBAO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

ULAT

WIRETAPPING LAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with