Pulitikong jueteng witness, reresbakan sina Cruz at Cam
July 29, 2005 | 12:00am
Nakatakdang bumalik sa bansa ang isang kilalang pulitiko na sinasabing jueteng witness ni Pangasinan Archbishop Oscar Cruz para supalpalin at ibunyag ang mga kasinungalingan ng Obispo at jueteng baglady na si Sandra Cam.
Sa kanyang paglantad, ididiin din nito si dating Sen. Tito Sotto na umanoy kumukumbinsi sa kanya para gumawa ng kasinungalingan laban kay Pangulong Arroyo kaugnay sa diumanoy paggamit ng jueteng money sa nakaraang eleksiyon.
Ito ang kinumpirma ng kapatid ng pulitiko na sinasabi sa isang press conference nina Cruz at Cam na namudmod umano ng tig-P2 milyon si dating Mayor Lilia Pineda, misis ng suspected jueteng lord na si Bong Pineda sa mga regional director ng Comelec sa hindi pinangalanang hotel sa lungsod ng Maynila.
Ayon pa sa source, na tumangging magpabanggit ng pangalan, wala pa sa bansa ang kanyang kapatid at nasa Estados Unidos pero nakahandang umuwi at humarap sa imbestigasyon ng Senado upang sabihin ang totoo na nais siyang pagsinungalingin lamang ni Sotto laban sa pamilya ni Pangulong Arroyo at mga Pineda.
Tiniyak din ng source na hindi personal na kilala ng kanyang kapatid sina Cam at Cruz at taliwas ito sa sinasabi ng Obispo na posibleng umatras ito dahil sa takot at nabayaran.
Iginiit ng kapatid na sinasabing testigo na walang katotohanan ang alegasyon ng mga anti-jueteng crusaders dahil walang kinakatakutan ang kanilang pamilya bukod pa sa kilalang pulitiko. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest