^

Bansa

Sandiganbayan kay JDV: 90-day suspension sa 2 solon ipatupad mo na!

-
Nagbabala kahapon si Associate Justice Jose Hernandez ng Sandiganbayan Fourth Division na posibleng ma-contempt sina House Secretary Speaker Jose de Venecia at House secretary general Roberto Nazareno dahil sa patuloy nilang pagtanggi na ipatupad ang 90-day suspension na ipinataw ng korte kina Oriental Mindoro Reps. Rodolfo Valencia at Alfonso Umali.

Sa16-pahinang desisyon na ipinalabas ni Hernandez, pinaalalahanan nito ang House of Representatives sa hindi pagpapatupad ng suspension kina Umali at Valencia na kapwa nahaharap sa kasong katiwalian sa Sandiganbayan.

Pinuna din sa resolusyon na sa kasalukuyang krisis pulitikal sa bansa, halos lahat ay nananawagan na igalang ang batas lalo na ang liderato ng House pero hindi naman nito sinusunod ang sinasabing ‘Rule of Law’ kapag ang apektado ay ang mga kongresista.

Sina Valencia at Umali ay kinasuhan ng graft kaugnay sa pagpapalabas ng P2.5 milyong pondo habang ang una ay nanunungkulang gobernador at ang huli ay provincial administrator sa Oriental Mindoro.

Ang suspension ay ipinalabas noon pang Pebrero pero umapela ang dalawang mambabatas at sinabing tanging ang Mababang Kapulungan lamang ang may kapangyarihan na suspendihin sila. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALFONSO UMALI

ASSOCIATE JUSTICE JOSE HERNANDEZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SECRETARY SPEAKER JOSE

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

ORIENTAL MINDORO

ORIENTAL MINDORO REPS

ROBERTO NAZARENO

RODOLFO VALENCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with