^

Bansa

Walang pakinabang na lupa ng gobyerno gawing pabahay

-
Isinulong kahapon ng dalawang mambabatas ang pagtatayo ng bahay para sa mga empleyado ng gobyerno at mga squatters lalo na sa mga urban areas sa mga lupa o ‘idle lands’ ng gobyerno na hindi naman napapakinabangan.

Ayon kay Rep. Rozanno Biazon (Muntinlupa), isa sa mga awtor ng panukala, ang pagtatayo ng socialized housing sa mga hindi ginagamit na lupa ng gobyerno ang isa sa mga sagot sa problema ng squatting. Sa kanyang panukala, nais ni Biazon na ang 10 porsiyento ng mga lupang pag-aari ng gobyerno na nakatakdang ibenta sa pribadong sektor ay dapat gamitin sa mga socialized housing projects.

Nais naman ni Ilocos Sur. Rep. Eric Singson na tayuan ng mga bahay para sa mahihirap ang mga agricultural land na pag-aari ng gobyerno na hindi na napapakinabangan sa loob ng 10-taon.

Ang National Housing Authority aniya ang dapat na magtake-over sa mga public lands na gagamitin para sa socialized housing. Ang mga nabanggit na panukala ay dinidinig ng House committees on natural resources at housing and urban development. (Malou Rongalerios)

ANG NATIONAL HOUSING AUTHORITY

AYON

BIAZON

ERIC SINGSON

ILOCOS SUR

ISINULONG

MALOU RONGALERIOS

MUNTINLUPA

ROZANNO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with