^

Bansa

GMA asang ‘di tuloy ang walkout sa SONA

-
Inaasahan ng Malacañang na hindi gagawin ng mga mambabatas ang planong walkout sa pagtatalumpati ni Pangulong Arroyo sa pagbubukas ng Kongreso sa Lunes.

Ayon kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang mga Pilipino ay likas na magandang tumanggap sa mga panauhin at tinatrato sila ng maayos. Sana naman anya ay panaigin ng mga mambabatas ang magandang kaugaliang ito ng mga Pilipino sa sandaling ang Pangulo ay magtungo sa Batasan Pambansa bukas para bigkasin ang kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ang planong pagboykot ng mga miyembro ng oposisyon sa SONA ay naglalayong hiyain ang Presidente.

Bukod sa walkout, plano rin umano ng oposisyon na magsuot ng itim na laso sa kanilang braso, hindi pagtayo sa pagpasok sa session hall ng Pangulo at mananawagan para sa pagbibitiw sa puwesto ni Mrs. Arroyo.

Kahapon ay siniguro ni Senate Minoritry Leader Aquilino Pimentel na iboboykot ng oposisyon ang ika-5 SONA ni Arroyo. Ani Pimentel, nagkaisa ng pananaw ang opposition senators na wala nang natitirang kredibilidad ang Pangulo kaya anuman ang sabihin nito ay wala ng halaga para sa bayan.

Ayaw na anyang makibahagi ang oposisyon sa sarsuela sa Batasan kapag binitawan na ng Pangulo ang sangkaterba na namang kasinungalingan at dahilan para manatili lamang siya sa puwesto.

Ang mga miyembro ng oposisyon sa Senado ay sina Pimentel, Sergio Osmeña, Jamby Madrigal, Alfredo Lim, Jinggoy Estrada at Panfilo Lacson. Hindi pa mabatid kung kasama sa makikiboykot ang dalawa pang oposisyon na sina Edgardo Angara at Juan Ponce Enrile. (Lilia Tolentino/Rudy Andal)

ALFREDO LIM

ANI PIMENTEL

BATASAN PAMBANSA

EDGARDO ANGARA

JAMBY MADRIGAL

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

LILIA TOLENTINO

PANGULO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with