Lacson pinahuhubaran ng maskara
July 23, 2005 | 12:00am
"Lacson mapagkunwari!"
Ito ang isinisigaw ng isang grupo na humihiling na mapatawan ng karampatang parusa si Sen. Panfilo Lacson dahil sa umanoy pagkakasangkot nito sa Kuratong Baleleng.
Ayon sa Be Afraid, Be Very Afraid of Ping (BABVAP) movement na pinamumunuan ng dating whistleblower na si Mary "Rosebud" Ong, dapat nang tanggalan ng maskara si Lacson sa ginagawa nitong pagkukunwari na ito ay isang "crime buster" o di kayay bilang "Mr. Clean".
Sinabi ni Rosebud na dapat katakutan si Lacson lalo pa kung makikita ang tunay na pagkatao nito.
Binigyang-diin ng BABVAP na hindi dapat na kalimutan ang mga krimen na kinasangkutan ng senador at ng mga tauhan nito dahil marami umanong buhay ang nawala dahil sa mga ito.
Nagsagawa din ang nasabing grupo ng re-enactment ng Kuratong Baleleng rubout upang iparamdam sa korte na dapat ng madesisyunan ang kaso dito na ngayon ay nakabinbin sa Quezon City Regional Trial Court. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended