Pagtalikod ng YOU kay GMA pinabulaanan
July 23, 2005 | 12:00am
Pinabulaanan ng Young Officers Union (YOU) ang lumabas na manifesto hinggil sa panawagan ng pagkakaisa para baguhin ang liderato sa gobyerno at pagbitiwin sa puwesto si Pangulong Arroyo sa anumang paraan.
Ayon kay Brig. Gen. Danilo Lim, commander ng Armys 1st Scout Ranger Regiment na nakabase sa Bulacan at founder ng YOU, hindi galing sa mga original na kasapi at opisyal ng organisasyon ang nasabing manifesto.
Ayon kay Lim, matagal ng nananahimik ang mga dating miyembro ng YOU matapos itong buwagin noong 1995 matapos ang mga itong lumagda sa kasunduang pangkapayapaan sa gobyerno.
Sinabi ni Lim na kung mayroon mang mangyaring mga pagkilos o pag-aaklas sa militar ay hindi ito magmumula sa mga dating kasapi ng YOU at posible umanong may gumagamit lamang sa pangalan ng binuwag nilang grupo.
Ayon naman kay Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ganap ang tiwala ng Pangulo na tapat ang mga sundalo sa kanilang tungkulin at nananatili silang neutral sa mga isyung pampulitika.
Sa ipinalabas na statement ng YOU kamakalawa, nakasaad na handa umano silang gumawa ng aksyon para mailigtas ang bansa at umaatras na sila sa nilagdaan nilang peace agreement sa gobyerno 10 taon na ang nakalilipas. (Ulat nina Joy Cantos at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended