Dahil dito, ang Arellano University (AU) ay nagbukas ng 1-year training course na Customer Service Representative. Ang CSR training course na ito ay may dalawang sangay, ang pagsasanay sa wikang English at Call Center Fundamentals.
Ang magsisipagtapos ng kursong CSR ay may tiyak na trabaho sa PLDT sa Ayala Ave., Makati at Fort Bonifacio Global City kung saan world-class ang serbisyo. Para sa iba pang detalye tumawag sa 735-2446, 734-7371 o magsadya sa Legarda campus, Legarda, Sampaloc, Maynila.
Ayon kay Francisco P.V. Cayco, Pangulo ng AU, ang AU at PLDT ay nagtie-up upang mabigyan ng pagkakataon ang mga nagsipagtapos na kumita ng malaki at hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa Estados Unidos at Europe.