Sa presscon kahapon, sinabi nina Engr. Nelson Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers (UFS), Noel Josue ng Kaibigan OFW, Bong Guro ng KASAPI, Datu Amerol Gulam Ambiong at Datu Mangoda Cusain, national chairman ng Muslim Peace and Order Council, Remigio Reyes ng National Federation of Senior Citizens Assn of the Phils.; Obet Garbida ng Pasang Masda at iba na nanindigan lamang ang CBCP sa rule of law.
Ayon sa grupo sa ilalim ng alyansang "kilos Taong Bayan", malinaw na ayaw rin ng CBCP ang mga panawagan ng oposisyon na "people power" at pagtatayo ng mga junta, caretaker transtion government o revolutionary government bilang pamalit sa kasalukuyang administrasyon.
Mariing kinondena ng grupo ang ilang miyembro ng Liberal Party partikular na si Senate Pres. Franklin Drilon dahil sa pagiging "balimbing" nito at tila tinarakan ng patalim sa likod ang Pangulo sa deklarasyong pagbitiwin ang Pangulo.
Anila, ang mga ipinanukala ng oposisyon ay lihis sa Saligang Batas at malinaw na paglabag sa demokratikong proseso. (Ulat ni Mer Layson)