^

Bansa

Paninindigan ng CBCP pinuri

-
Pinuri ng may 36 na iba’t-ibang organisasyon mula sa hanay ng overseas Filipino workers (OFWs), muslim leaders, transports sector at senior citizens ang naging ‘stand’ o paninindigan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na 'di makiisa sa panawagan na patalsikin si Pangulong Arroyo.

Sa presscon kahapon, sinabi nina Engr. Nelson Ramirez, pangulo ng United Filipino Seafarers (UFS), Noel Josue ng Kaibigan OFW, Bong Guro ng KASAPI, Datu Amerol Gulam Ambiong at Datu Mangoda Cusain, national chairman ng Muslim Peace and Order Council, Remigio Reyes ng National Federation of Senior Citizens Ass’n of the Phils.; Obet Garbida ng Pasang Masda at iba na nanindigan lamang ang CBCP sa ‘rule of law’.

Ayon sa grupo sa ilalim ng alyansang "kilos Taong Bayan", malinaw na ayaw rin ng CBCP ang mga panawagan ng oposisyon na "people power" at pagtatayo ng mga junta, caretaker transtion government o revolutionary government bilang pamalit sa kasalukuyang administrasyon.

Mariing kinondena ng grupo ang ilang miyembro ng Liberal Party partikular na si Senate Pres. Franklin Drilon dahil sa pagiging "balimbing" nito at tila tinarakan ng patalim sa likod ang Pangulo sa deklarasyong pagbitiwin ang Pangulo.

Anila, ang mga ipinanukala ng oposisyon ay lihis sa Saligang Batas at malinaw na paglabag sa demokratikong proseso. (Ulat ni Mer Layson)

BONG GURO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DATU AMEROL GULAM AMBIONG

DATU MANGODA CUSAIN

LIBERAL PARTY

MER LAYSON

MUSLIM PEACE AND ORDER COUNCIL

NATIONAL FEDERATION OF SENIOR CITIZENS ASS

NELSON RAMIREZ

NOEL JOSUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with