Nabunyag mula sa isang source na kasama din ang pangalan ni Gualberto sa isasakripisyo diumano ni Pangulong Arroyo na tanggalin sa puwesto dahil sa pagkakadawit sa kontrobersyang kinakaharap ng Pangulo.
Sa pagdalaw kamakailan ni Finance Undersecretary Emmanuel Bonoan sa tanggapan ni Supreme Court chief Justice Hilario Davide Jr., sinabi nito na kasamang isasailalim sa lifestyle check ang lahat ng mga taong may negatibong ulat at kabilang umano ang mga nasa ilegal na operasyon ng jueteng.
Mismong si Justice Sec. Raul Gonzales ang umamin na kabilang si Gualberto sa mga personaldad na dawit sa operasyon ng jueteng, batay sa jueteng list na isinumite sa kanyang tanggapan.
Nakasaad sa ulat na jueteng financier umano si Gualberto sa Palawan at Nueva Vizcaya.
Bukod kay Gualberto, kabilang din sa grupo ng kontrobersyal na "First Gentlemans Friends" na nasa hot seat sina NAIA General Manager Alfonso Cusi at Presidential Adviser Edgardo Manda. (Grace Amargo-dela Cruz)