^

Bansa

Gualberto namumuro sa Customs

-
Bunga ng pagkakasangkot sa listahan ng mga personalidad na sangkot sa operasyon ng jueteng bilang financier, namumuro na umanong masibak sa puwesto bilang hepe ng Customs Security and Enforcement Division si General Nestorio Gualberto.

Nabunyag mula sa isang source na kasama din ang pangalan ni Gualberto sa isasakripisyo diumano ni Pangulong Arroyo na tanggalin sa puwesto dahil sa pagkakadawit sa kontrobersyang kinakaharap ng Pangulo.

Sa pagdalaw kamakailan ni Finance Undersecretary Emmanuel Bonoan sa tanggapan ni Supreme Court chief Justice Hilario Davide Jr., sinabi nito na kasamang isasailalim sa ‘lifestyle check’ ang lahat ng mga taong may negatibong ulat at kabilang umano ang mga nasa ilegal na operasyon ng jueteng.

Mismong si Justice Sec. Raul Gonzales ang umamin na kabilang si Gualberto sa mga personaldad na dawit sa operasyon ng jueteng, batay sa jueteng list na isinumite sa kanyang tanggapan.

Nakasaad sa ulat na jueteng financier umano si Gualberto sa Palawan at Nueva Vizcaya.

Bukod kay Gualberto, kabilang din sa grupo ng kontrobersyal na "First Gentleman’s Friends" na nasa hot seat sina NAIA General Manager Alfonso Cusi at Presidential Adviser Edgardo Manda. (Grace Amargo-dela Cruz)

CUSTOMS SECURITY AND ENFORCEMENT DIVISION

FINANCE UNDERSECRETARY EMMANUEL BONOAN

FIRST GENTLEMAN

GENERAL MANAGER ALFONSO CUSI

GENERAL NESTORIO GUALBERTO

GRACE AMARGO

GUALBERTO

JUSTICE HILARIO DAVIDE JR.

JUSTICE SEC

NUEVA VIZCAYA

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with