Maliban kay ex-Gov. Miguel Escobar, kinasuhan din sina dating Vice Gov. Felipe Constantino, Provincial administrator Perla Maglinte, Provincial board member Margie Rudes, Eugene Alzate, Provincial treasurer Cesar Cagang, management at audit analyst Vevencia Telesforo at executive assistant Amelia Zoleta.
Inirekomenda ng Ombudsman ang P40,000 piyansa para sa bawat akusado.
Base sa records, noong Mayo 27, 2002, isang disbursement voucher na nagkakahalaga ng P300,000 ang ipinalabas nina Escobar at Constantino bilang tulong pinansyal sa Maglungon Market Vendors Association ng bayan ng Maglungon, Sarangani.
Upang mapalabas na lehitimo ang assistance program, nagpalabas pa umano ng mga supporting documents ang mga akusado pero hindi naman ipinagkaloob ang pera sa dapat pagbigyan.
Ang pondo ay ini-withdraw sa account ng provincial government sa Development Bank of the Philippines (DBP). (Malou Rongalerios)