^

Bansa

Sabwatang Bishops Cruz, Bacani vs GMA pinasisilip sa Kongreso

-
Hiniling kahapon ng mga alkalde at negosyante sa Kongreso at sa NBI na imbestigahan nito ang kumakalat na balita ng pakikipagsabwatan umano nina Bishop Oscar Cruz at Bishop Ted Bacani sa destabilisasyon laban sa gobyerno ni Pangulong Arroyo para sa ambisyong politikal ni Sen. Panfilo Lacson na nangangarap na maging pangulo ng bansa.

Ayon kina Mayor Boking Miranda ng Mabalacat, Pampanga at Romy Yusi ng Central Luzon-Philippine Chamber of Commerce Industry, Inc. (PCCII), halata umanong si Lacson ang nasa likod ng mga pagkilos ngayon ng mga nabanggit na Obispo.

Anila, ang kilalang political campaign manager ni Lacson na si Ben Barra ang nagdala ng mga kapwa niya Bikolanong sina Wilfredo Mayor, Sandra Cam, Richard Garcia at Demosthenis Vera kay Bishop Cruz upang tumestigo at ipagdiinan sa Senate jueteng inquiry na tumatanggap ng jueteng payola ang pamilya Arroyo upang magalit ang taumbayan sa gobyerno.

Si Cruz ay nakadestino sa Pangasinan pero mga taga-Bicol na pawang kaalyado ni Barra ang inilalabas na mga testigo gayung mas talamak ang jueteng sa Region 1 at Central Luzon.

Dating tauhan ni Lacson sa binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) si T/Sgt. Vidal Doble, ang ISAFP agent na sinasabing nag-wiretapped ng "GMA-Garci tape".

Idinagdag pa ng grupo na eksperto umano ang Senador sa wiretapping at noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada ay siya umano ang may kontrol ng sophisticated Israeli-supplied bugging devices at may kakayahan itong bumili ng ganitong paniktik laban sa mga kalaban niya sa pulitika. (Ulat ni Doris Franche)

BEN BARRA

BISHOP CRUZ

BISHOP OSCAR CRUZ

BISHOP TED BACANI

CENTRAL LUZON

CENTRAL LUZON-PHILIPPINE CHAMBER OF COMMERCE INDUSTRY

DEMOSTHENIS VERA

DORIS FRANCHE

LACSON

MAYOR BOKING MIRANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with