^

Bansa

Impeachment sagot sa political crisis

-
Bukas ang mga kongresista sa anumang impeachment complaint na ihahain laban kay Pangulong Arroyo kasabay ng pahayag na ito lamang ang pinakamainam na legal action upang malutas ang nagaganap na political crisis ng bansa.

Ayon kay Pangasinan Rep. Generoso Tulagan, ang anumang impeachable offense ni Arroyo ay kailangan na daanin sa legal na paraan na nakasaad sa Konstitusyon at hindi dahil lamang bunga ng mga personal na galit at interes. Ipinaliwanag ni Tulagan na ang impeachment process lamang ang maaaring magbigay ng pagkakataon sa mamamayan na makuha ang tunay na demokrasya. Subalit hindi umano nangangahulugan na ang prosesong ito ang dapat na gawin ng sinuman upang mapatalsik lamang ang isang mataas na lider ng bansa.

Sinabi naman ni Palawan Rep. Antonio Alvarez na ang miyembro na ng Kongreso ang siyang magdidetermina kung sapat ang mga ebidensiya laban sa Pangulo. Kinatigan din ito ni Pasay Congw. Consuelo Dy kasabay ng pahayag na matatalino na ang mga Filipino ngayon dahil mas nais ng mga ito na lutasin ang problema ng bansa sa legal na pamamaraan.

ANTONIO ALVAREZ

AYON

BUKAS

CONSUELO DY

GENEROSO TULAGAN

IPINALIWANAG

PALAWAN REP

PANGASINAN REP

PANGULONG ARROYO

PASAY CONGW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with