Kahambugan ang maglulubog sa iyo

Sinabi kahapon ng abugado ni Pampanga Rep. Mikey Arroyo na lalong nalubog sa kumunoy si Sandra Cam sa ginawa nitong testimonya sa Senado kung saan ipinagmayabang nito sa harap ng mga senador at sa taumbayan na labas-masok siya sa gusali ng Kamara de Representantes nang hindi man lamang sinisita ng mga guwardiya.

Sa isang pahayag makaraang mapanood ang mga ipinahayag ni Cam, sinabi ni Atty. Grace Maduramente na nakakatawa ang ginawang pagyayabang ng aminadong jueteng collector na ang kanyang tindig at istilo ng paglalakad ang dahilan umano kung bakit walang kahirap-hirap na nalusutan nito ang mahigpit na seguridad na ipinatutupad sa loob ng Kamara.

Pinaboran din ni Maduramente ang ginawang pamamangha ni Sen. Rodolfo Biazon sa birada ni Cam na nalagpasan nito ang mahigpit na seguridad sa loob ng gusali at maging sa pagpasok sa loob ng session hall.

"Senator Biazon is right. Ms. Cam should conduct seminars on her patented power-walk and look which allows her to evade security checks while lesser mortals must suffer through these. I don’t think she learned this at the Matute Fashion School, perhaps she can share her secret to the world," pahayag pa ng abogado. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments