^

Bansa

Gloria sasalubungin ng protesta sa HK

-
Hindi na yata matatakasan ni Pangulong Arroyo ang galit ng mga Pinoy na naniniwalang nandaya ito ng nagdaang eleksiyon base sa ‘GMA-Garci tape’ matapos na magpahayag ang grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Hong Kong na siya ay sasalubungin ng kilos-protesta sa pagdating nito ngayong araw doon.

Lalong naasar ang mga OFWs nang malamang hindi sila kabilang sa mga makakadaupang-palad ng Pangulo sa isang araw na pagbisita nito sa HK kaya dadaanin na lang nila sa pag-iingay.

Pangungunahan ng United Filipino in Hong Kong, isang alyansa ng mga organisasyong migrante, ang protesta at susubukan nilang ikompronta ang Pangulo hinggil sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan nito sa umano’y dayaan ng May 2004 presidential elections at ang pagkakadawit ng kanyang pamilya sa jueteng scandal.

"What fears does she have with the Filipino community here? What does she have to hide from us," ani Solores Balladeras, secretary-general ng nasabing grupo.

Nakatakdang makipagkita ang Pangulo sa mga business leaders at Hong Kong officials sa pagpupumilit nito na makakuha ng investment para sa bansa. (Ellen Fernando/AP)

ELLEN FERNANDO

GARCI

HONG KONG

LALONG

NAKATAKDANG

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SOLORES BALLADERAS

UNITED FILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with