Enrile kumampi na kay Gloria
June 20, 2005 | 12:00am
Nakakita ng kakampi si Presidente Arroyo sa katauhan ni Sen. Juan Ponce Enrile na nagsabing hindi dapat sagutin ng Pangulo ang issue sa diumanoy pakikipag-usap niya sa isang Comelec official tungkol sa dayaan sa eleksyon.
Si Enrile na nanlalamig ang relasyon sa mga kasamahan sa oposisyon ay nagsabing ang issue sa sinasabing wiretapped conversation ng Pangulo kay Comelec Commisioner Virgilio Garcillano ay isang parte ng malawakang hakbang para i-destabilize ang administrasyon.
Pinuna ni Enrile na ang kanyang mga kasamahan sa oposisyon ay hindi makapagbigay ng malinaw na istorya sa likod ng kontrobersyal na tape. Dahil dito aniya, nahihirapan ang oposisyon na mapabagsak si Arroyo dahil walang credible na papalit sa kasalukuyang Pangulo.
"Palpak at hindi kapanipaniwala" ani Enrile sa mala-telenobelang kasaysayan tungkol sa naturang taped conversation.
Sinabi rin ni Enrile na lalabagin ng Kongreso ang probisyon sa Saligang Batas para sa paghihiwalay ng kapangyarihan at responsibilidad ng Ehekutibo at ng Lehislatura kung pupuwersahin nito si Pangulong Arroyo na sagutin ang isang sulat para mag-komento hinggil sa tape.
Sinabi ni Enrile na walang kapangyarihan ang Mababang Kapulungan na gawin ang binabalak nito at maaari umanong magkaroon ng constitutional crisis kung magpipilit ito sa Pangulo.
Samantala, iginiit ni Sen. Miriam Santiago na "walang legal value" ang tape para mapasimulan ang isang impeachment proceeding laban sa Pangulo hanggat itoy hindi nao-authenticate.
Kung oobligahin ng Kongreso ang Pangulo na sagutin ang isyu, sinabi ni Santiago na itoy "abuse of discretion."
Ani Santiago, national security issue ang nakapaloob sa usapin dahil oposisyon na rin ang nagsabi na ang pinagmulan ng tape ay ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).
Kung totoo ito, sinabi ni Miriam na malinaw na lumabag sa batas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil ipinagkanulo ang seguridad ng taumbayan na dapat pangalagaan.
Dapat aniya, ipa-authenticate muna sa sinasabing pinagmulan ang tape bago ito magkaroon ng legal value.
Pero nauna nang pinabulaanan ng AFP na sa ISAFP nagmula ang tape.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended