Housing loan giit itaas
June 19, 2005 | 12:00am
Hinikayat ng Quezon City Council si Pangulong Arroyo na itaas ang Community Mortgage Loan (CML) upang magkaroon ng disenteng bahay ang mga mamamayan sa lungsod at iba pang lugar sa bansa. Ito ay matapos na aprubahan sa konseho ng QC upang igiit naman kay GMA na itaas mula P80,000-P100,000 ang CML, isang law income financing scheme, na nagbibigay ng programa para sa mga low housing projects.
Ang nasabing programa ay kasalukuyang nasa ilalim ng National Home Mortage Finance Corp. na nagbibigay benepisyo para sa mga may informal income na makautang ng hanggang P80,000.
Ngunit dahil sa nananatiling krisis ang bansa ay hindi makakasapat ang nasabing halaga dahilan upang isulong ni QC Councilor Winston Castelo ang panukala na itaas ito. Ayon kay Castelo na siyang may-akda ng panukala, ang karagdagang halaga ay malaking tulong sa mga urban poor communities na siyang prayoridad ng pamahalaang lungsod upang magkaroon ng sariling bahay at lupa. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended