Ayon kina Eastern Samar Rep. Marcelino Libanan at Leyte Rep. Eduardo Veloso, ang ginawang pagbubunyag ni Doble na binayaran ito ng P2 milyon ang magiging susi upang matukoy kung saan nanggaling ang dinuktor na umanoy taped conversation ni Pangulong Arroyo.
Ayon sa dalawang kongresista, ang ginawang salaysay ni Doble ang nagpapatunay na bahagi lamang ang jueteng at tapes sa plano ng oposisyon na sirain ang kredibilidad at pagtitiwala sa pamahalaan.
"Dobles appearance must be prioritized by the probing committee since the alleged payoff was witnessed by Dobles brother Reynaldo and Dobles female companion Marietta Santos," pahayag ni Libanan.
Hinikayat naman ni Veloso ang limang komite na dapat magharap-harap sa pagdinig sina Doble, Ong at Laarni Enriquez, ang umanoy pinanggalingan ng P2-M na ibinayad sa kanya ni ex-NBI deputy director Samuel Ong, upang malaman kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.
Sinabi ni Veloso na isama sa pagdinig ang mga opisyal ng PNP upang sagutin ang mga alegasyon na pinilit nila si Doble na magbigay ng kanyang salaysay.
Naniniwala ito na ang pagdalo ni Doble sa pagdinig ang magbibigay katapusan sa mga isyung ibinabato laban sa Arroyo administration. (Ulat ni Malou Rongalerios)