Ayon kay Sen. Gordon dapat na magbitiw ang mag-tiyo sa gitna na rin ng akusasyon na tumanggap sila ng pera mula kay Cam.
Ani Gordon, masyado nang naapektuhan ang ekonomiya ng bansa at para walang masabi ang oposisyon at ito ang pagkakataon na ipakita ng dalawa na nais nilang makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagbibitiw sa tungkulin.
Naniniwala naman si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na hindi makatarungan ang panawagang busalan ni Pangulong Arroyo ang mga miyembro ng pamilya nito.
Ani Pichay, bagamat iginagalang nila ang mungkahi, hindi naman nararapat ito dahil biktima lamang ng haka-haka at intriga ang mga miyembro ng Unang Pamilya ng mga kaduda-dudang testigong iniharap ng oposisyon sa imbestigasyon ng Senado.
Sinabi pa ni Pichay na hindi tamang husgahan kaagad sina Mikey at Iggy dahil ang personalidad ng umanoy testigo na si Sandra Cam ay kaduda-duda dahil sa mga kriminal na gawain. (Rudy Andal/Malou Rongalerios)