^

Bansa

Reps. Mikey at Iggy pinagbibitiw ni Gordon

-
Hiniling kahapon ni Sen. Richard Gordon na magbitiw sa tungkulin ang mag-tiyuhing Pampanga Rep. Mikey Arroyo at tiyuhing si Negros Occ. Rep. Iggy Arroyo at huwag ng hintayin na ang Pangulo pa ang mag-atas sa kanila.

Ayon kay Sen. Gordon dapat na magbitiw ang mag-tiyo sa gitna na rin ng akusasyon na tumanggap sila ng pera mula kay Cam.

Ani Gordon, masyado nang naapektuhan ang ekonomiya ng bansa at para walang masabi ang oposisyon at ito ang pagkakataon na ipakita ng dalawa na nais nilang makatulong sa bansa sa pamamagitan ng pagbibitiw sa tungkulin.

Naniniwala naman si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na hindi makatarungan ang panawagang busalan ni Pangulong Arroyo ang mga miyembro ng pamilya nito.

Ani Pichay, bagama’t iginagalang nila ang mungkahi, hindi naman nararapat ito dahil biktima lamang ng haka-haka at intriga ang mga miyembro ng Unang Pamilya ng mga kaduda-dudang testigong iniharap ng oposisyon sa imbestigasyon ng Senado.

Sinabi pa ni Pichay na hindi tamang husgahan kaagad sina Mikey at Iggy dahil ang personalidad ng umano’y testigo na si Sandra Cam ay kaduda-duda dahil sa mga kriminal na gawain. (Rudy Andal/Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANI GORDON

ANI PICHAY

IGGY ARROYO

MALOU RONGALERIOS

MIKEY ARROYO

NEGROS OCC

PAMPANGA REP

PANGULONG ARROYO

PROSPERO PICHAY

RICHARD GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with