Dagdag-benepisyo sa working students isinulong ni Sen. Villar
June 6, 2005 | 12:00am
Nakakita ng kakampi sa Senado sa katauhan ni Sen. Manny Villar ang libo-libong working students sa bansa na nagpupunyaging makapagtapos ng pag-aaral sa pamamaitan ng sipag at tiyaga.
Ayon kay Sen. Villar, panahon nang dagdagan ang tinatanggap na mga benepisyo ng mga working students kaya inihain nito ang Senate Bill 570 na layong mapalawak ang sakop ng pagbibigay trabaho sa mga estudyante. Aamyendahan ng panukala ang RA 7323 o Special Program for Employment of Students Law.
Ayon kay Villar, ang suweldo ng mga working students ay hindi dapat bumaba sa minimum wage o suweldo na tinatanggap ng mga kawani sa pribadong sektor.
Saludo din ang senador sa pagsisikap ng mga working students na mapaganda ang kanilang buhay sa sariling sikap at tiyaga. "Alam na alam ko ang hirap at dusa ng isang working student dahil pinagdaanan ko iyan noong nag-aaral pa ako sa UP. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho kaya saludo ako sa kanila dahil sa mataas na pagpapahalaga nila sa edukasyon," ani Villar. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended