Ayon kay Press Sec. at Presidential Spokesman Ignacio Bunye, inatasan na nila si Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo na magsagawa ng kaukulang representasyon sa gobyerno ng Saudi para sa posibleng pagrebisa sa death sentence na ipinataw sa OFW na si Reynaldo "Fahad" Cortez.
Sinabi ni Bunye na umaasa si Pangulong Arroyo na magtatagumpay ang mga Pinoy diplomats sa Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa isinasagawang hakbang upang masagip si Cortez sa tiyak na kamatayan.
Base sa ulat ng DFA, si Cortez ay hinatulan noong Mayo 11 dahil sa pagkakasaksak nito sanhi ng pagkasawi ng isang Pakistani driver noong Mayo 19, 2002 matapos na tumangging makipagtalik dito.
Matapos na makarating ang ulat, agad na iniutos ni Romulo kay RP Ambassador to Riyadh Bahnarim Guinomla na gamitin lahat ang legal na alternatibo sa Sharia law upang masagip ang buhay ni Cortez. (Ulat ni Ellen Fernando)