Ayon sa dalawang solon, kalimitang nagiging problema ang mga absenerong congressmen lalo na kung may sesyon. Lugi naman anila ang mga mambabatas na palaging dumadalo sa sesyon.
Kung ang mga ordinaryong manggagawa aniya sa mga pribadong sektor at maging sa gobyerno ay binabawasan ang sahod kapag hindi pumapasok o nagtatrabaho ay dapat ding ganito ang gawin sa mga mambabatas.
Katulad ng mga manggagawa, tungkulin ng mga elected officials ang pumasok at gampanan ang kanilang trabaho. (Ulat ni Malou Rongalerios)